Bus biyaheng Fairview nasunog sa EDSA

MANILA, Philippines –  Bumigat lalo ang daloy ng trapiko sa EDSA sa bahagi ng lungsod ng Makati matapos masunog ang isang pampasaherong bus ngayong Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bandang 4:45 ng hapon nagsimulang masunog ang Manrose bus (UVB-618) na biyaheng Fairvview.

Wala namang naiulat na sugatan sa insidente, ngunit pinabigat nito ang daloy ng trapiko kasabay ng rush hour.
 

Show comments