Obrero tinarakan sa leeg at tiyan

MANILA, Philippines – Saksak sa tiyan at sa leeg ang inabot ng isang 23-anyos na construction worker na kinursunuda ng nakaalitang siga sa kabila ng pag-iwas nito sa gulo sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Isinugod ng mga ka­tra­baho sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang duguang biktimang si Joey Ceneros, residente ng Block 16, Exodus St., Taytay, Rizal, dakong alas-12:15 ng mada­ling-araw makaraang saksakin ng suspek na nakilala lamang sa alyas na Lito sa panulukan ng Se­verino Reyes St. at CM Recto Avenue­.

Sa ulat ng Manila Police District-station 3, ang biktima ay nakipag-inuman sa mga kasamahang cons­truction worker sa isang tin­dahan na malapit sa construction site  nang makaalitan ang kaniyang kagrupo sa isang grupo na nag-inuman  din.

Dahil sa insidente ay na­pilitang bumalik na lamang sa barracks ang grupo ng biktima na habang naglalakad ay hindi alintana ang pagbuntot ng suspek sa kanila at na­piling saksakin ang biktima bago mabilis na tumakas.

Show comments