2 taxi driver, arestado sa holdap

MANILA, Philippines – Kapwa arestado ang dalawang taxi driver na umano’y nanghoholdap ng kanilang pasahero, kahapon ng madaling araw sa Makati City. Kinilala ni Senior Supt. Ernesto Barlam, hepe ng Makati City Police ang mga suspek na sina Ponciano Libunao, 32 at Ron Jovy Turla, 21, parehong residente ng  Caloocan City.

Kinilala naman ang isa na kanilang biktima na si Elaine Quiambao­, 32, taga Phase 4-A, Bahayang Pag-asa, Imus, Cavite. Ayon kay Barlam, ala-1:30 ng madaling-araw nadakip ang mga suspek habang sakay sila ng isang taxi at binabagtas ang north bound lane ng  panulukan ng Osmeña Highway at Malugay St., Barangay San Antonio, Makati City.

Nabatid na matagal nang minamanmanan ng pulisya ang dalawa base sa natanggap na mga sumbong laban sa mga ito.  Kabilang sa naging biktima nga ng modus operandi ng mga ito ay si Quiambao. Nabatid na kapwa lulan sa iisang taxi ang  mga ito  habang nakatago ang isa saka magsasakay ng pasahero na kanilang hoholdapin.

Show comments