1 pang pugante ng QC jail balik selda na

MANILA, Philippines – Nasakote na ang pang-12 pugante na pumuga sa  Cubao Police Station nitong bisperas ng Bagong Taon.

Balik sa likod ng rehas ang 26-anyos na si Jeremy Llena matapos madakip ng mga awtoridad sa tahanan ng kanyang biyenan sa Sampaloc, Manila.

Nahaharap sa kasong illegal gambling si Llena na madaragdagan pa dahil sa pagtakas.

Kaugnay na balita: 11 sa 16 pugante nadakip na

Apat na pugante na lamang ang patuloy na tinutugis ng Quezon City police.

Show comments