11 sa 16 pugante nadakip na

MANILA, Philippines – Naibalik na sa kulungan ang pang-11 sa 16 na pumuga mula sa isang kulungan sa lungsod ng Quezon nitong nakaraang linggo.

Nakilala ang puganteng si Roland Araneta na nadakip sa Taytay, Rizal kaninang 11:30 ng umaga.

Limang pugante na lamang ang pinaghahahanap matapos silang pumuga sa Cubao Police station 7 noong bisperas ng Bagong Taon.

Sinibak na sa pwesto si PS-7 commander Police Superintendent Wilson Delos Santos dahil sa insidente.

 

Show comments