^

Metro

Ret. Marine 2nd Lt. natagpuang patay sa firing range

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang retiradong Marine 2nd Lieutenant  ang na­tagpuang patay sa firing range ng Philippine Marine Corps (PMC) sa Fort Bonifacio, Taguig City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Marine Col. Edgard Arevalo, spokesman ng Philippine Navy ang biktima na si ret. Marine 2nd Lieutenant Romeo Sierra, tumutulong bilang range officer sa nasabing firing range.

Bandang alas-8:15 ng umaga nang matagpuan ng isang Navy personnel ang nakabulagtang duguang katawan ng biktimang nagtamo ng tama ng bala sa bibig sa Naval Station Jose Francisco Firing Range sa Fort Bonifacio.

Narekober ng mga ta­uhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team ng Southern Police District ang cal. 45 pistol sa tabi ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na dakong alas-6:48 ng umaga nang dumating sa firing range ang biktima sakay ng traysikel bago natagpuan ang bangkay nito.

Nabatid na bago ang insidente ay dumaing ng pinansyal na problema ang biktima kung saan ay naghahanap ito ng mapagsasanglaan sa kaniyang cal. 45 pistol.

Iniimbestigahan naman ng pulisya ang anggulong suicide sa kasong ito.

Samantala, tiniyak naman ni Arevalo na makikipagtulungan ang kanilang hukbo sa imbestigasyon ng pulisya.

 

EDGARD AREVALO

FORT BONIFACIO

LIEUTENANT ROMEO SIERRA

MARINE COL

NAVAL STATION JOSE FRANCISCO FIRING RANGE

PHILIPPINE MARINE CORPS

PHILIPPINE NAVY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with