Lasing na Sudanese student dinuraan at siniko si Isko Moreno

MANILA, Philippines – Timbog ang isang Sudanese student matapos bastusin si Manila Vice Mayor Isko Moreno kahapon.

Ayon sa mga ulat, lasing ang student pilot na nakilalang si Amro Aboud Hassan Etayeb, 23, nang lumabag sa batas trapiko sa Pedro Gil corner Roxas Boulevard.

Si Moreno ang nagmamando ng trapiko sa naturang lugar nang ilang beses tumawid si Etayeb habang naka green ang traffic light.

Tumigil pa sa gitna ng kalye ang student pilot kaya naman inaresto na ni Moreno na kasama ang mga tauhan ng Manila Traffic.

Umalma si Etayeb nang arestuhin bago siniko si Moreno at inambahang sisipain ang iba pang kasama ng Bise Alkalde.

Nang dalhin sa presinto ang Sudanese student ay dinuraan niya si Moreno sa likuran.

Nahaharap sa kasong jaywalking at assault to a person in authority si Etayeb.
 

Show comments