Mag-live-in partner, timbog sa droga

MANILA, Philippines – Arestado ang maglive-in partner nang maaktuhang nagbebenta ng  shabu sa isang drug operation  ng Manila Police District-Sta.Ana Police Station 6, sa  San Andres Bukid, Manila, iniulat ng pulisya.

Sina Eduardo Sarcilla, 27; at Mary Grace Palo, 23, na kapwa residente ng Dagonoy St., San Andres Bukid ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article ll ng R.A. 9165 at walang inilaang piyansa sa kanilang pansamantalang paglaya.

Ayon kay P/Chief Insp. Albert Cerdena, hepe ng Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Unit, bandang alas-11:30 ng gabi, nang maaktuhan ang da­lawa sa pagbebenta ng shabu sa Dagonoy St. sa San Andres Bukid.

Sinabi ni Cerdena na matagal na silang nakakatanggap ng report hinggil sa operasyon ng dalawa subalit kailangan lamang na maberipika ang mga kilos at transaksyon ng mga ito.

Nakitaan ng dalawang plastic sachet na umano’y naglalaman ng shabu ang mga suspek.

Sa kabila nito, todo tanggi pa rin ang mag-live-in partner.

Show comments