Pulis Maynila itinumba sa LRT

MANILA, Philippines – Pauwi na sana mula sa trabaho ang isang pulis nang tambangan sa isang istasyon ng Light Rail Transit sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa ulat ng dzMM, nakilala ang biktimang si Corporal Felipe Delos Reyes, night shift supervisor ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (PGH) Police.

Paakyat na ng LRT-Pedro Gil station si Delos Reyes nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek kaninang umaga.

Galing sa trabaho ang biktima nang maganap ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang motibo sa likod ng pamamaslang.

Show comments