Riles ng MRT sa Makati nakitaan ng biyak

MANILA, Philippines – Muling sinalubong ng aberya ang bagong linggo matapos may matagpuang sira ang riles ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa bahagi ng lungsod ng Makati.

Ayon sa ulat, bandang alas-8 ng umaga napansin ng kawani ng MRT ang biyak sa riles sa pagitan ng Magallanes at Ayala station.

Napagpasyahan ng pamunuan ng MRT na mula North Avenue sa lungsod ng Quezon hanggang sa Shaw Boulevar sa Mandaluyong muna ang biyahe ng tren.

Halos isang oras naantala ang operasyon ng MRT, bago bumalik sa normal ang operasyon ng tren bandang 8:50 ng umaga.

Show comments