Internet café, nilooban ng tandem

MANILA, Philippines - Isang international café ang hinoldap ng dalawang hindi pa nakikilalang rider-in-tandem sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling-araw.

Sa reklamo sa Criminal Investigation Unit (CIU) sa Mandaluyong ng biktimang si Tesanie Rumias, 32, ng Blumentritt St., Brgy. Hulo, Mandaluyong City, sinabi nito na ang panloloob sa kanyang internet café ay naganap dakong alas-12:30 ng madaling-araw.

Sinabi ni Rumias na nagmagandang-loob pa umano ang dalawang suspek na tutulungan siya sa pagsasara ng pintuan ng kanyang shop pero bago siya pumasok sa loob ay nagdeklara ng holdap ang dalawa at tinutukan siya ng baril.

Mabilis umanong tinangay ng mga suspek ang pera na kinita ng Internet Café na P5,000 na nakalagay sa drawer. Nang makuha ang pakay ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo na hindi nakuha ang plaka. (Mer Layson)

 

Show comments