^

Metro

2 na namang estudyante, dinukot sa Makati City

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawa na namang estudyante ang umano’y  dinukot ng mga kalalakihan na naka-bonnet at nakasakay sa isang Toyota Grandia, kamakailan sa Makati City.

Ang isa sa dalawang biktima ay itinago sa pangalang Liz, 15, 4th year high school student ng Pio Del Pilar High School habang inaalam pa ang pangalan ng isa pang  biktima na naka-school uniform din.

Lumalabas sa report na natanggap ni Senior Supt. Ernesto­ Barlam, hepe ng Makati City Police, base sa naging pahayag ng biktimang si Liz, naganap ang insidente alas-7:00 ng gabi (Nov 25, 2014) sa Kalayaan Avenue, panulukan ng P. Burgos St., Brgy. Poblacion ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa biktima, habang siya ay naglalakad sa naturang lugar, biglang sumulpot ang isang Toyota Grandia na hindi naplakahan at sakay ang dalawang kalalakihan na naka-bonnet.

Biglang lumabas ang mga suspek at tinakpan ng mga ito ng panyong may kemikal  ang  kanyang ilong dahilan upang mahilo at agad na ipinasok sa naturang sasakyan.

Dito nakita ni Liz na nasa loob din ang isa pang babaeng biktima na nakasuot ng school uniform.

Ayon pa kay Liz, ginulpi  silang dalawa ng mga suspek habang sila ay nasa loob ng sasakyan. Pagsapit umano sa  Clean Fuel Gasoline Station na matatagpuan sa Vito Cruz St., Brgy. San Antonio Village ng naturang lungsod ay huminto ang sasakyan para magpakarga ng gasolina ang mga suspect. Bumaba rin ang mga suspek upang mag-CR at dito ay tiniyempuhan ng mga biktima  ang pagkakataon at nagawa  nilang makatakas mula sa naturang sasakyan.

Matapos ay kaagad na nagtungo ang mga biktima sa barangay at humingi sila ng ayuda sa mga opisyal dito.

AYON

BRGY

BURGOS ST.

CLEAN FUEL GASOLINE STATION

KALAYAAN AVENUE

LIZ

MAKATI CITY

TOYOTA GRANDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with