^

Metro

Uupahang ‘gunman’, kumanta utol ni Mayor Bistek na si Hero, itutumba

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang driver ang lumutang sa tanggapan ng Quezon City Police District upang isiwalat ang umano’y planong pagpatay sa kapatid ni Mayor Herbert Bautista na si Hero Bautista at isa pang lalaki ng ka-live in partner ng dating kinakasama ng huli sa lungsod.

Si  Joseph Rene Batoon, 32, driver,  ay personal na nagsadya sa tanggapan ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit upang ipahayag ang bantang pagpatay kay Hero at sa isang Alden Tecson ng isang Wilfredo Valerio.

Si Valerio ay ang kinakasama ngayon ng dating live-in partner ni Hero na nakilalang si Rio April Santos kung saan si Batoon ay personal driver ng huli.

Sabi ni Batoon, nangyari ang planong pagpatay sa dalawa noong Nov. 17, 2014 sa kanyang bahay,  dakong alas -3 ng madaling araw.

Dito ay kinausap umano si Batoon ni Valerio na humanap ng taong pwedeng patayin sina Hero at Tecson sa halagang P50.000 bawat isa.

“At kapag wala daw nakuha ay baka puwede na ako nalang at ibibigay daw ang kalahati bilang paunang bayad at ang kalahati kapag napatay na ang dalawa,” sabi ni Batoon.

Nag-ugat umano ang galit ni Valerio kay Hero dahil pilit na hinahabol si April sa kabila ng nagsasama na sila nito.

At nagalit din si Valerio kay Tecson na bayaw ni Rio April dahil sila ang gumagawa ng paraan para magkabalikan sina Hero at Rio April.

ALDEN TECSON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

HERO BAUTISTA

JOSEPH RENE BATOON

MAYOR HERBERT BAUTISTA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RIO APRIL

RIO APRIL SANTOS

SI VALERIO

VALERIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with