^

Metro

Lumundag sa 25th floor ng hotel Lasalista lasog ang katawan, sabog ang bungo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lasog ang katawan, sabog ang bungo at kumalat pa ang utak at bituka ng isang Filipino-German citizen na graduating student ng De La Salle University (DLSU)-Manila matapos umanong tumalon mula sa ika-25th floor ng isang hotel sa Mandaluyong City  ka­makalawa  ng gabi.

Nakilala ang biktima batay sa kanyang identification card na si John Michael Lingad, 26, residente ng No. 29 Mystic Rose Drive, Quezon­ City.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Joemer Puzon at SPO1 Emmanuel Ermino ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Mandaluyong City Police, ang insidente ay naganap dakong alas-11:10 ng gabi sa isang hotel na
matatagpuan sa kahabaan ng Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Nabatid na nag-check-in ang biktima mag-isa sa nasabing hotel dakong alas-5:45 ng hapon noong Sabado at inukopa ang Room No. 2510 na nasa 25th Floor.

Pagsapit ng bago mag­hating-gabi ay nakarinig umano ang security guard ng hotel na si Marlon Pa­dilla, ng isang malakas na kalabog sa bahagi ng driveway.

Kaagad naman umano itong siniyasat ng guwar­diya at laking gulat niya nang bumulaga sa kanya ang lasug-lasog na bangkay ng biktima na halos mabura ang mukha sa tindi nang pagkabasag ng bungo nito.

Kumbinsido naman ang mga awtoridad na sadyang nagpakamatay ang biktima at wala aniya silang nakikitang foul play sa insidente.

Iniimbestigahan na rin nila ang nakita nilang isang notepad na may logo mismo ng hotel, kung saan isi­nulat ng biktima ang mga katagang, “Feb. 14, 2014 I wish to go back to those times.”

May nakapatong pa umano sa notepad na isang picture ng isang Pinay, na inaalam pa kung kaanu-ano nito.

Tinunton na ng mga awtoridad ang tahanan ng tiyahin ng biktima, kung saan ito nakikitira, dahil ang mga magulang umano nito ay nakatira sa Estados Unidos.

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DE LA SALLE UNIVERSITY

EMMANUEL ERMINO

ESTADOS UNIDOS

ISANG

JOEMER PUZON

JOHN MICHAEL LINGAD

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with