P3-B shabu lab sa Tarlac sinalakay ng NBI

MANILA, Philippines - Sinalakay  ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) angi isang shabu laboratory kung saan nadakip ang anim na sinasabing Chinese nationals at nakumpiska ang tinatayang P3-bil­yong halaga ng illegal na droga at   paraphernalia  sa paggawa nito   sa Camiling, Tarlac.

Sinabi ni NBI Deputy Director for Investigative Services Ricardo Pa­ngan, na sa unang pagtaya pa lamang ay aabot na P3-bilyon ang halaga ng mga nasamsam na iligal na droga, ingredients, mga makina at kagamitan sa paggawa ng shabu  na patuloy pang iniimbentaryo.

Natukoy ang laboratory sa isang dating gusali na ginagamit ng Farmers Multi-Purpose Cooperative na mata­tagpuan sa Bonifacio St., sa Ca­miling. Sa kasalukuyan ay hindi pa nakukuha ang pangalan ng mga ina­restong Chinese­ na­tionals.

Sa pagsalakay ay nadatnan ang mga shabu­ na nakahanda  nang ibiyahe at ang iba naman ay hindi pa nailalagay sa mga pakete.

 Isinagawa ang pagsalakay sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court. Ang sinalakay na shabu laboratory ay isang malaking warehouse na dating gina­gamit ng isang farmers multi-purpose co­operative.

Sa mga oras na ito, nasa labing limang kilo na umano ng hinihinalang shabu ang naiimbentaryo at dahil sa dami ng mga nasamsam, posible umano na hanggang ngayong araw pa ma­tapos ang imbentaryo.

 

Show comments