P3-B shabu lab sa Tarlac sinalakay ng NBI
MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) angi isang shabu laboratory kung saan nadakip ang anim na sinasabing Chinese nationals at nakumpiska ang tinatayang P3-bilyong halaga ng illegal na droga at paraphernalia sa paggawa nito sa Camiling, Tarlac.
Sinabi ni NBI Deputy Director for Investigative Services Ricardo Pangan, na sa unang pagtaya pa lamang ay aabot na P3-bilyon ang halaga ng mga nasamsam na iligal na droga, ingredients, mga makina at kagamitan sa paggawa ng shabu na patuloy pang iniimbentaryo.
Natukoy ang laboratory sa isang dating gusali na ginagamit ng Farmers Multi-Purpose Cooperative na matatagpuan sa Bonifacio St., sa Camiling. Sa kasalukuyan ay hindi pa nakukuha ang pangalan ng mga inarestong Chinese nationals.
Sa pagsalakay ay nadatnan ang mga shabu na nakahanda nang ibiyahe at ang iba naman ay hindi pa nailalagay sa mga pakete.
Isinagawa ang pagsalakay sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court. Ang sinalakay na shabu laboratory ay isang malaking warehouse na dating ginagamit ng isang farmers multi-purpose cooperative.
Sa mga oras na ito, nasa labing limang kilo na umano ng hinihinalang shabu ang naiimbentaryo at dahil sa dami ng mga nasamsam, posible umano na hanggang ngayong araw pa matapos ang imbentaryo.
- Latest