^

Metro

Preso tinakasan ang asunto, nagbigti

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinakasan ng isang 50-anyos na lalaki ang asuntong  panggagahasa sa anak-anakan makaraang magbigti sa loob ng selda ng Caloocan Sub-Station, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi na si Diovito Hugo Delestra, ng Bagong Barrio, ng naturang lungsod.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Reynaldo Medina, dakong alas-2 ng madaling-araw nang madiskubre ang nakabigting bangkay ni Delestra ng kapwa bilanggo sa loob ng selda.

Ayon sa pulisya, pinunit-punit umano ni Delestra ang suot na damit, pinagbuhol at siyang ginamit sa pagbi­bigti. Inalerto lamang ang mga pulis ng mga preso sa pagkaka­diskubre sa bangkay ng biktima.

Nabatid na inaresto si Delestra nitong nakaraang Linggo matapos na ireklamo ng panghahalay ng neneng na anak-anakan nito. Nakatakda sana itong sampahan ng kaso kahapon, Lunes sa Caloocan Prosecutor’s Office ngunit nauna na ang pagpa­patiwakal nito.

Nakatakda namang magsagawa ng mas masusing imbestigasyon ang Caloocan Police upang matiyak na walang foul play na naganap sa insidente.

BAGONG BARRIO

CALOOCAN POLICE

CALOOCAN PROSECUTOR

CALOOCAN SUB-STATION

CHIEF INSP

DELESTRA

DIOVITO HUGO DELESTRA

NAKATAKDA

REYNALDO MEDINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with