^

Metro

Motor ng pulis kinarnap sa loob ng MPD headquarters

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagtataka ang isang pulis sa pagkawala ng kanyang motorsiklo na nasa loob ng compound ng Manila Police District sa Headquarters sa United Nations Avenue sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw.

Sa pagrereport  ni PO2 Panric Mempin  nakatalaga sa MPD-District Public Safety Battalion at residente ng  1422  Juan Luna St. Tondo sa MPD Anti- Carnapping Investigation Section, posibleng  naganap ang pagkarnap sa kanyang motor na may plakang 8635 NN sa pagitan ng  ala 1 hanggang  alas 4 ng madaling araw.

Ayon kay Mempin, iniwan niya ang motorsiklo sa loob mismo ng  MPD compound  kung saan nakalimutan niyang  kunin ang susi.

Matagal na rin ang lumipas nang maalala niya ang susi sa kanyang motorsiklo at laking gulat niya nang   wala na ito sa loob ng  compound sa kabila ng  pagkakaroon ng bantay.

Lumilitaw lamang aniya na  wala nang seguridad kahit pa sa loob ng  pulis headquarters.

 

vuukle comment

AYON

CARNAPPING INVESTIGATION SECTION

DISTRICT PUBLIC SAFETY BATTALION

ERMITA

JUAN LUNA ST. TONDO

LUMILITAW

MANILA POLICE DISTRICT

PANRIC MEMPIN

UNITED NATIONS AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with