No. 7 most wanted sa Southern Metro Manila, timbog

MANILA, Philippines - Huli ang  No. 7 most wanted criminal  sa buong Southern Metro Manila sa isinagawang operasyon kahapon sa   Muntinlupa City.

Nakadetine ngayon sa Muntinlupa City Police detention cell ang wanted na si Wildeite Pagkalinawan, ng Bautista St., Brgy. Bayanan ng naturang siyudad.

Sa report na natanggap ng Southern Police District Office (SPDO), alas-2:45 ng madaling-araw nang ma­dakip ang naturang akusado ng mga kagawad ng Intelligence Division ng Muntinlupa City Police sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Muntinlupa City Regional Trial Court.

Base sa report ng SPD, ang akusado ay itinu­turing nilang number 7 most wanted criminal sa buong Southern Metro Manila dahil sa patung-patong na kasong kinakaharap nito. (Lordeth Bonilla)

Show comments