^

Metro

Justice hall nabulabog sa rally

Ricky Tulipat at Angie­ dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pansamantalang naudlot ang serbisyo publiko sa Quezon City Hall of Justice matapos na sumugod ang may 1,000 magsasaka dito at nagsagawa ng rally upang hilingin ang pagpapalaya sa mga “political prisoners.”

Nakasuot ng pulang da­mit, pilit na pumapasok sa loob ng hall of justice ang mga magsasaka dahilan para makagirian nito ang mga security guards na nagbabantay sa gusali.

Lalong nanggalaiti sa galit ang mga magsasaka nang dumating ang tropa ng Quezon City Police District Station 10 at hinarang ang kanilang daraanan patungo sa hall of justice. Dahil dito, nagsasama-samang nagpiket sa harap ng justice hall ang mga magsasaka kung saan nagsagawa ang mga ito ng programa.

Ayon kay Supt. Limuel Obon, hepe ng PS10, hinayaan lamang anya nilang mag-programa ang mga magsasaka dahil karapatan nila ito, subalit gagawin nila ang kaukulang aksyon kung gagawa na ang mga ito ng kaguluhan.

Pasado alas-8 ng umaga nang sumugod sa justice hall ang mga magsasaka upang igiit ang pagpapalaya sa mga political prisoners. Dahil sa kaguluhan, pansamantalang sinuspinde ang aktibidad sa justice hall at hindi muna pinagtrabaho ang mga kawani sa loob dahil hindi makapasok.  Partikular na hinihiling ng mga magsasaka ang pagpapalaya sa mag-asawang lider ng Communist Party of the Philippines na sina Wilma at Benito Tiamzon.

Ang mag-asawang Tiamzon ay inaresto noong nakaraang Marso sa Cebu at naharap sa kasong kidnapping at illegal detention. Nakatakda sana ang pre-trial hearing sa Quezon City Hall of Justice kahapon.

Gayunman, nabalik din sa normal ang operasyon sa QC court  ilang oras makaraang maitaboy ng QC police ang mga protesters. Sa kanilang panig, sinabi ng mag-asawang Tiamzon na wala sila sa Quezon noong February 1988  nang maganap ang sinasabing pagdukot sa  apat na sundalo ng Philippine Army at  isang NARCOM agent na isinasangkot  sa kanila.

Niliwanag din ng mag- asawa  na sila ay kabilang sa safety and immunity gua­rantee ng Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees bilang mga consultants ng National Democratic Front of the Phi­lippines (NDFP) peace pro­cess.

BENITO TIAMZON

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

DAHIL

HALL

JOINT AGREEMENT

JUSTICE

LIMUEL OBON

QUEZON CITY HALL OF JUSTICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with