^

Metro

Sa ikatlong pagkakataon MPD-Station 1, muling pinasabugan

Ludy Bermudo at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa ikatlong pagkakataon, muling pinasabugan ng granada  ang Manila Police District-Station 1 kamakalawa ng hatinggabi.

Sa pagkakataong ito, ayon kay MPD-Station 1 (Raxabago) commander P/Supt. Virgilio Viloria, dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo ang naghagis ng MK-2 grenade dakong alas-11:40 ng gabi ang mga suspek.

Sa ulat ni SPO3 Eric Delos Arcos, nasa loob sila ng presinto nang makarinig ng ma­lakas na pagsabog. Bagamat walang  napaulat na nasugatan o nasawi natamaan ng shrapnel ang isang dumaraang tricycle.

Iniuugnay din ang pagpapasabog sa pagkakadakip nila sa tatlong lalaki dakong alas-5:00 ng hapon  sa  panulukan ng Paulino  at Moderna Sts. Tondo, Maynila.

Kinabibilangan ito ng mga suspek na sina Joel Dustiniano, 34; Datsun Velasco, 35; at Luigi Guittap, 24. Nakumpiska sa kanila ang .38 kalibreng baril, .45 pistol, at .22 revolver at isang granada.

Noong Oktubre 6, dakong alas-10:00 ng gabi rin, isang MK2 grenade ang inihagis ng  tandem na suspect  at sumabog sa likod ng nasabing presinto. Nasugatan dito si PO1 Ranil Bautista habang nasira rin ang isang nakaparadang motorsiklo na kulay pulang  SYM  (7309-PQ) at pag-aari ni PO2 Rumple Robles.

Noong Abril 23, ng taong kasalukuyan, dakong alas-3: 45 ng hapon unang grinanada ang naturang police station kung saan na­sunog ang Toyota Vios (ZFN-447) na pag-aari ni P/Supt. Julius Añonuevo, ang nakaupong station commander noon at nadamay din ang isang motorsiklo, na nagdulot ng pag­ka-uka ng harapang sementadong kalye.

Kahapon ay iprinisita ni Manila Mayor Joseph Estrada ang tatlong nadak(ip na sinasabing mga kasamahan ng mga nagpasabog sa presinto.

Nagkaloob din ng P500K reward laban sa mga kasamahan pa ng mga ito.

DATSUN VELASCO

ERIC DELOS ARCOS

JOEL DUSTINIANO

JULIUS A

LUIGI GUITTAP

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MODERNA STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with