LGBT community, kinondena ang pagpatay ng sundalong Kano sa transgender

MANILA, Philippines – Mariing kinondena ng hanay­ ng lesbian, gay, bisexual at transgender (lgbt) community sa bansa ang pagpaslang ng Amerikanong sundalo sa isang trans­gender.

Ayon kay Corky Hope, spokesperson ng grupong Kapederasyon sa nangyari sa transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude ay nag­papakita lamang ito ng kawalang-respeto  ng mga Amerikanong sundalo sa batas ng ating bansa

Binigyang diin din ng grupong Kapederasyon na ang visiting forces agreement (VFA) ay hindi patas na kasunduan  ng Pilipinas at Estados Unidos dahil na­ngingibabaw ang pagiging mataas ng mga kano kahit na sila ay nasa ating bansa.

Sinasabing ang pumas­lang kay Laude ay isa sa mga sundalong naipadala sa ating bansa dahil sa VFA.

Una rito, nagsagawa ng kilos protesta ang naturang grupo para kondenahin ang naturang pamamaslang.

Show comments