^

Metro

P50,000 reward inilabas vs holdaper ni ‘pandesal boy’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naglabas ng P50,000 reward money si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan para sa sinumang makapagtuturo sa holdaper na nambiktima sa 11-anyos na pandesal boy na naging ‘viral’ ang video sa internet.

Sinabi ni Malapitan na ang pagpapalabas ng reward money ay upang mapabilis ang pag-aresto sa suspek na patuloy na nakakalaya.

Nakakuha naman ang Caloocan City Police ng footage ng CCTV sa suspek na posi­tibong kinilala ng batang bik­tima ngunit hindi ito namukhaan dahil sa nakatalikod.

Nakilala ang suspek ng batang biktima dahil sa suot nitong asul na sando, shorts at tattoo.

Kahapon, kasabay ng pagbubukas ng selebrasyon ng National Children’s Month, pinagkalooban ni Malapitan ang ina ng bata na si Maricris Villena ng P20,000 “Pangkabuhayan Package” para makapagtayo ng maliit na negosyo.

Una na ring nangako ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isasama ang pamilya ng biktima sa ‘Conditional Cash Transfer (CCT) program para makatulong sa pag-aaral ng biktima at ng bunso nitong kapatid.

CALOOCAN CITY MAYOR OSCAR MALAPITAN

CALOOCAN CITY POLICE

CONDITIONAL CASH TRANSFER

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

KAHAPON

MALAPITAN

MARICRIS VILLENA

NATIONAL CHILDREN

PANGKABUHAYAN PACKAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with