^

Metro

‘Gapos gang’ umatake na naman

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muli na namang sumalakay ang kilabot na ‘Gapos gang’ sa lungsod Quezon, matapos na isang bahay ang pasukin at tangayin ang aabot sa P3 milyong halaga ng pera at mamahaling alahas at gamit, maging ang isang sasakyan, ayon sa ulat kahapon. Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang biktima na si Angelo Victucio, 28,  ng Unit D, Road 20, Brgy. Bahay Toro sa lungsod.

Ayon sa ulat, tatlong armadong suspek ang pumasok sa bahay ng biktima kung saan tinangay ng mga ito ang nasabing mga ari-arian, matapos igapos ang una. Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente, ganap na alas-12:30 ng tanghali nitong Huwebes, makaraang duma­ting ang biktima sa kanyang bahay sakay ng kulay itim na Mitsubishi Montero.

Nang akmang isasara na ng biktima ang automated gate nito,  biglang pumasok sa gate ang isa sa mga suspek dahilan para makapasok ang iba pang kasamahan nito at dakmain ang una, saka hinila papasok sa loob ng bahay.

Sa loob, sinimulang igapos ng mga suspek ang biktima saka ikinulong sa master’s bedroom na nasa ikalawang palapag at doon sinimulan ang paglimas sa mga gamit at pera dito.

Nang makuha ang pakay, saka tumakas ang mga suspek, sakay ng Montero ng biktima na ginawang get away vehicle ng mga ito.

Nang maramdaman naman ng biktima na wala na ang mga suspek ay sinikap nitong putulin ang mga tali, saka humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay hanggang sa pulisya.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing in­sidente.

ANGELO VICTUCIO

AYON

BAHAY TORO

BIKTIMA

MITSUBISHI MONTERO

NANG

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

UNIT D

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with