MANILA, Philippines – Muling nagpatupad ng rollback sa kanilang produktong petrolyo ang isang kompanya ng langis na epektibo ngayong araw na ito.
Ang tapyas-presyo ay pinangunahan ng Petron Philippines, para sa gasoline na ibinaba sa halagang P1.20 kada litro, nasa P1.55 naman kada litro ang ibinaba sa krudo o diesel at ang kerosene naman ay bumaba ng halagang P1.60 kada litro.
Ayon sa media affairs ng Petron Philippines, ipinatupad nila ang pagtapyas ngayong araw na ito (Oct. 12), alas-12:01 ng madaling-araw. Ito aniya ay bunsod sa pagbabago ng presyo sa world market.
Matatandaan nitong nakaraang linggo ay nagpatupad ng rollback ang mga oil company kabilang dito ang Petron Philippines. Asahang susunod na ring magpapatupad ng rollback ang iba pang kompanya ng langis.