^

Metro

3 ‘tirador’ sa tulay, timbog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Timbog ang tatlong robbery­ holdup suspect na nambi­biktima ng mga commuters sa footbridge sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa magkahiwalay na insidente sa lungsod Quezon, iniulat  kahapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) di­rector, Chief Supt Richard A. Albano, ang mga suspek na sina Dante­ Santos, 23; Jason Ventura, 23; at Benzon Vega, 21.

Unang nadakip  sina Santos at Ventura ganap na alas-10:30 ng gabi ilang segundo makaraang holda­pin ang isang Jenny Pumaren, 31, gamit ang patalim.

Naglalakad si Pumaren sa Ever Gotesco footbridge sa kahabaan ng Commonwealth Avenue nang lapitan ito ng mga suspek at holdapin.

Kasunod nito ay tinangay ng dalawa ang cellphone ng biktima saka tumakas. Agad namang humingi ng tulong ang biktima sa mga nagpapatrulyang tropa ng PS-6 at nadakip ang mga suspek.

Narekober din sa mga suspek ang cellphone ng biktima at patalim na ginamit ng mga ito.

Samantala, nadakip naman si Vega nang magkamali ito sa pambibiktima sa pulis na si PO1 Richard Anthony, ganap na alas-8 ng gabi, habang nasa footbridge rin ng Commonwealth Avenue.

Diumano, kasama ni Vega ang isa pang lalaki at sikretong dinukot nito ang cellphone ng pulis, subalit nakatunog ang huli at ina­resto ang una, habang nakatakas naman ang ka­sama nito.

BENZON VEGA

CHIEF SUPT RICHARD A

COMMONWEALTH AVENUE

EVER GOTESCO

JASON VENTURA

JENNY PUMAREN

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICHARD ANTHONY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with