Putol na riles inantala ang operasyon ng MRT

MANILA, Philippines – Muling naantala ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) 3 ngayong Martes sa pagbabalik pasok sa opisina at paaralan ng publiko.

Ayon sa isang ulat sa radyo, putol na riles sa pagitan ng Santolan at Ortigas station northbound lane ang dahilan ng pagkaantala ng operasyon ng MRT.

Pasado alas-5 ng umaga nang ma-detect ng tren ang sirang riles kaya naman nalimitahan lamang sa Taft Station hanggang Shaw boulevard ang biyahe.

Inabot ng isang oras ang pag-aayos bago bumalik sa normal ang operasyon ng MRT bandang 6:40 ng umaga.

Hindi ito ang unang beses na may sirang riles sa MRT.

Show comments