Cayetano nakatanggap ng P100K sa Makati gov't

MANILA, Philippines – Isang sentenaryong residente ng lungsod ng Makati ang nakatanggap ng P100,000 bilang cash gift mula sa lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Makati City Mayor Jejomar Erwin Binay na iginawad ang pera kay World War Two veteran Narciso M. Cayetano nitong Setyembre 29.

Si Cayetano na taga Barangay Pembo ang ikalawang lalaking ginawaran at pang-18 sentenaryo na nakatanggap ng cash gift mula nang ipatupad ito sa bisa ng City Ordinance No. 2012-099 noong Disyembre 2012.

Ipinanganak ang sentenaryo noong Hunyo 16, 1914 at napangasawa si Anita Almonte. Nagbunga ng isang anak ang kanilang pagsasama.

Show comments