^

Metro

‘Tamang hinala’, nilalason siya mister binugbog ang misis

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Arestado ang isang lalaki nang gulpihin nito ang kanyang kinakasama  sa ‘tamang hinala ‘ na nilalagyan umano ng huli ng lason ang kanyang pagkain sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police detention cell ang suspek na si Alberto Gulas, 44, ng  Guerna St., Brgy. Palanan ng naturang lungsod, nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Violence Against Women’s and Children’s Act).

Samantala, nagtamo naman ng mga pasa sa ulo at katawan ang biktimang si Gina Somosa, 40, nakatira rin sa naturang lugar.

Base sa sinumpaang salaysay ni Somosa sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk, Makati City Police, naganap ang insidente alas-9:00 ng gabi sa kanilang tinitirhan sa naturang lugar.

Nabatid na habang tinuturuan niya  ang kanilang anak-anakan na si John Matthew sa assignment nito, siya namang pagdating ng suspek na lasing.

Kinompronta ng suspek ang biktima at pinagbibin­tangan na nilalagyan ng lason ang kanyang pagkain.

Hindi naman pinansin ng biktima ang akusasyon ng suspect subalit patuloy ang pangungulit nito hanggang sa tuluyan silang mag-away.

Dito na siya ginulpi ng suspek at inuntog pa ang kanyang ulo.

Nagtatakbong palabas ng bahay ang biktima at naiwan niya ang kanilang anak-anakan.

Pagkaraan ng ilang oras ay bumalik ang biktima na may  kasamang  mga barangay tanod upang kunin ang anak-anakan na si John Matthew­ at nagresulta ito sa pagkakadakip sa suspek hanggang sa dinala na ito sa himpilan ng pulisya at isina­ilalim ito sa inquest proceeding sa Makati City Prosecutor’s Office.

 

ALBERTO GULAS

GINA SOMOSA

GUERNA ST.

JOHN MATTHEW

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI CITY PROSECUTOR

PROTECTION DESK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with