^

Metro

2 oil tanker, nadamay sa sunog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang  oil tanker ang nadamay sa sunog na naganap sa residential  houses sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng umaga.

Mabilis naman ang naging responde ng mga bumbero  kung kaya’t agad naapula ang  apoy sa   Old Panaderos sa Punta  Sta.Ana  na nagsimula ng dakong alas-6:20 ng umaga.

Sa ulat ni SFO1 Raul Angeles, ng Manila Fire Department ng  Bureau of Fire Protection, nasa ikalawang alarma na ang sunog na naideklarang under control ng bandang 6:58 ng umaga. Idineklarang fireout ang  sunog dakong alas-7:14 ng umaga.

Ayon sa BFP,  nagdulot ng tensiyon sa mga residente ang nangyaring sunog sa pangambang magkaroon ng malaking sunog at pagsabog dahil sa malapit lang sa lugar ng mga oil depot.

Mahigit 10 truck ng bumbero kabilang ang mga  fire volunteer groups ang sunud-sunod na dumating para apulahin ang sunog.

Hindi naman nadamay ang kalapit na oil depot na Petroleum Technology and Research Center .

Patuloy naman inaalam ng mga Arson investigator ang sanhi ng sunog at inaalam pa ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

vuukle comment

AYON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DALAWANG

IDINEKLARANG

MANILA FIRE DEPARTMENT

OLD PANADEROS

PETROLEUM TECHNOLOGY AND RESEARCH CENTER

RAUL ANGELES

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with