MANILA, Philippines - Asahang mas matinding trapik ang mararanasan ng mga motoristang magtutungo at manggagaling sa Pasay City dahil sa nakaambang muling pagsasara ng isang bahagi ng Magallanes interchange sanhi nang isasagawang road repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, na lalagpas ng isang linggo ang isasagawang road repair sa bahagi ng Magallanes Interchange na ang tulay ay umuugnay sa EDSA sa bahagi ng Makati at Pasay City.?Nabatid na mayroon aniyang muling panukala ang DPWH na isara ang isang bahagi ng Magallanes Interchange sa sampung araw matapos itong banggitin sa kanya ni DPWH Secretary Rogelio Singson noong nakaraang Huwebes at sa tono aniya ng pahayag ng naturang kalihim ay minamadali ang naturang repair project.
Ayon pa sa MMDA, inaalam pa ng DPWH na kung anong uri ng construction ang gagawin sa naturang tulay.
Nabatid, na unang isinara ang Magallanes interchange sa bahagi ng sa South Luzon Expressway (SLEX) at Osmeña Highway. (Lordeth Bonilla)