^

Metro

Tone-toneladang isda sa Valenzuela, nalinis na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang nalinis ng mga tauhan ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang tone-toneladang patay na isda sa mga palaisdaan na tumambad makaraang ma­nalasa ang bagyong Mario kamakailan.

Sinabi ni Public Information Office head, Ahna Mejia, na nalinis na nitong nakaraang Martes ang napakaraming patay na tilapia, pla-pla at bangus sa Brgy. Malanday ng mga tauhan ng Rivers and Waterways Management Office.

Sinabi ni Bureau of Fisheries­ and Aquatic Resources (BFAR) Director Asis Perez na humalo ang “domestic at industrial wastes” o mga duming inilalabas ng mga pabrika kaya tumaas ang lebel ng ammonia sa 10-ektaryang palaisdaan kaya nangamatay ang mga isda.

Marami umanong pabrika sa lugar kaya hindi malayong sumabay sa pagtaas ng baha ang paghahalo ng industrial at domestic waste kaya nag­lutangan ang mga patay na isda.

Tinatayang mahigit sa P500,000 ang halaga ng pinsala mula sa pagkamatay ng higit 10 toneladang isda taliwas sa unang pagtaya ng BFAR na isang toneleda.

Matatandaan na unang nadiskubre ang pagkamatay ng mga isda nitong Set­yembre 22 habang unang hininala ng mga opisyal ng barangay ang pagdami ng mga “water hyacinths” sa tubig kaya bumaba ang lebel ng oxygen.

AHNA MEJIA

AQUATIC RESOURCES

BRGY

BUREAU OF FISHERIES

DIRECTOR ASIS PEREZ

PUBLIC INFORMATION OFFICE

RIVERS AND WATERWAYS MANAGEMENT OFFICE

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with