^

Metro

MPD-Ancar chief, 7 tauhan sibak sa ‘kotong’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinibak ni Manila Police District (MPD) director, Chief Supt. Rolando Asuncion ang  hepe ng  Anti-Carnapping  and Hijacking Unit kabilang ang pitong tauhan nito  bunsod na rin ng  reklamong pangongotong sa isang Pakistani national noong Setyembre 19.

Kasabay nito, ipinaaaresto rin ni Asuncion sina P/Senior Insp.  Rommel Geneblazo  at mga tauhan na sina SPO1’s Michael Dingding, Gerry Ri­vera, Jay-An Pertubos, Jo­nathan Moreno, PO2s Renato Ochinang at Marvin de la Cruz.

Itinalaga naman ni Asuncion  si Senior Insp. Francisco Vargas, na dating hepe ng MPD-Theft and Robbery kapalit ni  Geneblazo.

Ang kautusan ni Asuncion laban kay Geneblazo at pitong tauhan ay nag-ugat sa reklamo ng negosyanteng si Kamran Khan Dawood, 39, ng Platinum 2000 Annapolis  St. San Juan City.

Batay sa imbestigasyon nina SPO1 Donald Panaligan at PO3 Rodel Benitez, ng MPD-General Assignment and Investigation Section, hinuli ng mga pulis pasado ala-1 ng madaling-araw noong Biyernes sa harap ng Manila Pavillon sa Ermita, Manila si Dawood dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa carnapping.

Ibinebenta umano ng biktima ang apat na sasakyan kabilang ang tatlong Toyota Camry at isang Mazda 523.

Dinala umano ang biktima kasama ang  lima pang kaibigan sa Ancar kung saan tinakot at hiningan umano ng mga pulis ng P300,000 hanggang sa magkasundo sa halagang P100,000.

Sa kabila ng pagbibigay ng P100,000 ay  pinigil pa rin ng mga pulis ang itim na Toyota Camry na may plakang XPN-274 dahil kinakailangan pa itong beripikahin.

Ikinuwento ng  biktima ang sinapit niya sa kamay ng mga pulis sa kanyang kaibigan na pulis-Crame na siyang tumulong sa kanya na makapagreklamo sa MPD-GAIS.

Positibo namang kinilala ng biktima ang mga pulis na nangotong sa kanya. Inatasan din ni Asuncion si Senior Insp. Arsenio Riparip, hepe ng MPD-GAIS na laliman ang imbestigasyon upang malaman ang lawak ng  operasyon ng mga pulis na sangkot sa pa­ngongotong.  Sasampahan ng kasong robbery extortion ang mga pulis na sangkot.

ARSENIO RIPARIP

ASUNCION

CHIEF SUPT

DONALD PANALIGAN

PULIS

SENIOR INSP

TOYOTA CAMRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with