Manhole ng mga kawatan, buking

MANILA, Philippines - Isang manhole na pinani­niwalaang gawa ng ‘ace­tylene gang’ ang nadiskubre ng isang vendor kaya na­aga­pan ang posibleng panlo­loob sa mga nakahilerang pawnshop sa Ongpin St.,  Binondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Manila Police District station 11, kamaka­lawa ay ininspeksiyon ni Emerson Chua, ng stalls R at U ng China City Gold Center ang nakarating sa kanyang impormasyon hinggil sa hukay na patungo sa loob ng jewelry center at mismong nasa tapat ng kanyang stalls, na kasyang daanan ng tao.

Ito’y kaugnay din sa inireport sa Ongpin Police Outpost ng isang Analiza David, 29, vendor, noong Setyembre 9, 2014, hinggil sa paghuhukay sa ilalim ng nasabing mga tindahan ng mga kalalakihan na pawang nakasuot umano ng t-shirts na kulay blue.

Nang makipag-ugnayan sa building administration ang pulisya, binalewala umano ito at hindi na natuloy ang imbestigasyon.

Nang alamin ng pulisya sa City Engineer’s Office, na­laman na walang anumang proyekto kaugnay sa pag­huhukay sa nasabing kalye patungo sa ilalim ng jewelry center.

Inaalam na rin ng CEO ang kondisyon ng lupang hinu­kay ng mga suspek, na posiblidad na lumikha pa ng panganib.

 

Show comments