MANILA, Philippines – Wala pa ring pasok ang mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Valenzuela ngayong Lunes dahil sa patuloy na pagbabaha ng ilang lansangan dulot ng matinding ulan ng bagyong Mario at ng Habagat.
Sa advisory ng Valenzuela City sa kanilang Twitter account, kabilang sa walang pasok ang mga estudyante ng Daycare, Pre-School, Elementarya at High School sa mga barangay ng Wawang Pulo, Balangkas, Parancillo Villa, Palasan, Arkong Bato, Pulo, Poblacio, Mabolo at Coloong.
Kasama rin na walang pasok ang mga barangay ng Isla, Tagalag, Bisig, Malanday, Pasolo, Rincon, at Dalandanan.
Ayon sa pamahalaang lungsod, mas pinaprayoridad nila ang kaligtasan ng mga batang mag-aaral na dahilan ng suspensyon ng klase.