Pedicab driver, dinedo ng apat

MANILA, Philippines - Utas ang isang 27-anyos na pedicab driver matapos kuyugin­ ng apat na lalaking nakaaway nito sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Porferion Araza, ng P. Herrera Street, Tondo,  Maynila sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa in­sidente at inaalam pa ang pagkakakilanlan sa apat na suspek. Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa may panulukan ng Mariones at De Vera Sts., Tondo.

Ayon sa isang Jason Carmona, 21, kapwa pedicab driver, nakita niya na lamang na tumatakbo pa ang biktima at nang bumagsak ay nakita niya itong naliligo sa sariling dugo. (Ludy Bermudo)

Show comments