^

Metro

Bday gift sa mga senior citizen, aprub sa konseho

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lusot na sa ikalawang pagbasa ng  konseho ng  Maynila ang pagbibigay ng  birthday gift sa mga senior citizen.

Ang ordinansa na inihain ni  Manila 4th District Councilor Edward Maceda ay umani ng suporta mula kay  Manila 3rd District Councilor Bernie Ang na chairman ng  Committee on Appro­priations at iba pang konsehal.

Ayon kay Maceda,  karapatan ng mga senior citizen na  mabigyan ng  birthday gift upang maramdaman nila ang pagpapahalaga ng lungsod ng Maynila.

Batay sa ordinansa, maglalaan ng  P30 mil­yon para sa  pamamahagi ng  birthday gift sa  mga senior citizen.

Ang bawat senior citizen ay  makakatanggap ng P300 na birthday gift. Umaabot sa  100,000 ang  mga senior citizen sa Maynila.

Inaasahan namang  maipatutupad ang  pa­ma­mahagi ng  birthday gift sa Marso 2015 dahil  isasama ito sa budget ng  city government na  aaprubahan naman ng Department of Budget and Management.

AYON

BATAY

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DISTRICT COUNCILOR BERNIE ANG

DISTRICT COUNCILOR EDWARD MACEDA

INAASAHAN

LUSOT

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with