^

Metro

Trapik labu-labo na: Truck ban sa Maynila, ipinatigil

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang tinanggal ni Manila Mayor Joseph Estrada ang  truck ban sa lungsod upang masolusyunan ang umano’y port congestion na palaging isinisisi sa kanila ng mga truckers at ilang sector.

Batay sa Executive Order  No. 67 na pinirmahan ni Estrada kahapon ng umaga­,  nakasaad dito na ‘indefinite’ ang pag-aalis ng truck ban upang big­yan daan ang sina­sabing problema sa pantalan sa Maynila.

Alas-12 ng tanghali kahapon ipinatupad ang  pag-aalis ng truck ban.

Kasama si Vice Mayor  Isko Moreno at buong pu­wersa ng city council, sinabi ni Estrada  na dapat nang  asahan ng publiko ang labu-labong daloy at pagsisikip ng  mga sasak­yan anumang oras. Hindi rin umano  malayong dumoble ang bilang ng mga aksidente dahil dito.

Iginiit nito na matagal nang may port congestion bago pa man nila ipina­tupad ang  truck ban noong Pebrero.

“Matagal na pong may port congestion. Hindi po truck ban ang sanhi nito. Mabuti nga po ngayon ay alam na ng taumbayan ang problema ng port congestion,” ani Estrada.

Bagama’t hindi na mang­­huhuli ang mga ta­uhan ng Manila Traffic and Parking Bureau at Manila Police District, handa pa rin umano  ang city go­vernment na tumulong sa national government kung kinakailangan.

Ayon naman kay Mo­reno, nakakapanghinayang lamang na mas maraming Manilenyo ang apektado para lamang  sa mga  pansariling interes ng iilang mga negosyante.

Pangunahing apektado dito ang mga residente, estudyante, empleyado at ma­ging ang mga ma­liliit na motorist at commu­ters. Maraming Manilenyo ang natuwa nang mabawasan ang masikip na daloy ng  trapiko dahil sa ipinatupad na truck ban.

Niresolba  ni  Estrada  ang problema  sa trapiko sa  Maynila matapos na  tawaging ‘Gates of Hell’  ni Dan Brown ang lungsod. Subalit sa pag-aalis ng truck ban posibleng muli itong mangyayari.

Hindi umano maikakaila na lumuwag na ang Maynila kung kaya’t patuloy pa rin ang kanilang pag-a­aral sa sistema upang mas mapabuti ito kasabay ng pagbibigay  sa kahilingan ng mga truckers­. Pinag-iingat na lamang ni Moreno ang mga moto­rist, commuters at publiko.

Aniya, walang hiniling ang mga truckers na hindi ibinigay ng  city government. Kabilang na dito ang  window hour, express trade lane, 24-hour trade lane at ang pagkakaroon ng 2-lane, sa kabila ng lahat ng ito ay sila pa rin ang sinisisi .

Sinabi ni Estrada na ipinauubaya na niya sa national government at Task Force Pantalan ang sitwasyon upang ma­iwasan na rin ang anumang conflict sa ipinatutupad na sistema.

BAN

DAN BROWN

EXECUTIVE ORDER

GATES OF HELL

ISKO MORENO

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with