MANILA, Philippines - Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa isang babaeng natagpuang patay sa bakanteng lote, sa Baseco Cmpd., Port Area, kamakalawa ng gabi.
Inilarawan ni SPO3 Rodelio Lingcong, ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima sa edad 25-30, may taas 5’2’’-5’5’’, morena.
Isang lalaking namumulot na basura ang nakakita sa bangkay na nakahandusay dakong alas-8:40 ng gabi kamakalawa sa bakanteng lote na may pangalang “PRA” sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.
Tanging bra lamang ang suot ng biktima kaya inaalam ng pulisya kung ito ay ginahasa.