Bebot itinumba ng tandem

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 49-anyos na babae na pinagbabaril sa ulo ng riding in tandem sa Tondo,Manila, kahapon ng tanghali.

Dalawang bala sa ulo mula sa kalibre 45 pistola ang tinamo ng biktimang si Florentina Intong.

Mabilis namang naka­takas ang dalawang suspect lulan ng motorsiklo na armado­ ng nasabing baril.

Sa ulat ni SPO1 Rommel del Rosario ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:05 ng tanghali kahapon nang maganap ang nasabing krimen sa Malonzo Compound   sa Isla Puting Bato, Tondo habang nakatambay ang biktima nang biglang dumating  ang mga suspek   at isa sa kanila ang malapitang binaril sa ulo ang biktima. 

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.

May teorya ang mga awtoridad na posibleng may kinalaman sa talamak na iligal na droga ang krimen.

Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng kalibre 45 baril ang Scene of the Crimes Operatives.

Show comments