^

Metro

Pamatong nakalaya matapos magpiyansa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakalaya na si dating nuisance presidential candidate Atty. Ely Pamatong makaraan ang dalawang araw na pagkakapiit matapos maaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI)  sa pagtuntong nito sa  Ninoy Aquino International Airport Terminal noong nakalipas na Miyerkules, mula sa Cagayan de Oro City.

Ito ang kinumpirma kahapon ni NBI Director Virgilio Mendez, batay aniya sa ipinarating na ulat  sa kanya ng Anti-Organized Crime Division (AOCD) ng NBI  makaraang magpalabas na rin  ng release order ang Quezon City Regional Trial Court matapos maglagak ng piyansa.

Nabatid na mayroon nang order of release ang hukuman sa Quezon City para sa paglaya ni Pamatong.

Bago magtanghali kahapon ay nakaalis na ng AOCD si Pamatong at bago ito tuluyang lumisan ay bini­sita niya sa NBI detention  facility ang tatlong naaresto sa NAIA Terminal 3 dahil sa mga nadiskubreng pampasabog sa loob ng isang sasakyan kamakailan.

Una nang inamin ni Pa­matong na ang suspek na si Grandeur Guerrero ay kasamahan niya sa grupong USAFFE na tutol sa agresibong pag-aangkin ng China sa West Philippine Sea.
Si Pamatong naman ay dinakip noong  Miyerkules sa mga warrant of arrest kaugnay sa mga nakabinbing kaso tulad ng maliscious mischief dahil sa pagpapakalat ng spikes sa EDSA na nakaperwisyo sa mga sasakyan at motorista at kasong may kaugnayan sa mga baril na narekober sa kanyang bahay sa Laguna.

ANTI-ORGANIZED CRIME DIVISION

DIRECTOR VIRGILIO MENDEZ

ELY PAMATONG

GRANDEUR GUERRERO

MIYERKULES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT TERMINAL

ORO CITY

PAMATONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with