^

Metro

North Interim Bus Terminal, bubuksan ngayong Setyembre

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang South Interim Provincial Bus Terminal sa Alabang, inaasahang mabubuksan naman ngayong buwan ng Set­yembre ang North terminal sa Caloocan City upang mabawasan ang mga pampublikong bus na dumaraan sa EDSA.

Nabatid na nagpulong na sina Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, kasama sina Malabon Mayor Antolin Oreta, Mayor John Rey Tiangco ng Navotas, Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board chairman Winston Ginez at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino­ at nagkasundo sa pagtatayo ng bus terminal para sa mga pamprobinsyang bus buhat sa Norte.

Sinabi ni Mayor Malapitan na itatayo ang interim bus terminal sa isang ektaryang lupain sa gilid ng southbound lane ng EDSA sa may Monumento.  Ngunit marami pang aayusin sa naturang lupain na kasalukuyang matubig, kangkungan at walang anumang istruktura.

Sa oras na maitayo at mag-operate, nasa 376 provincial bus buhat sa Pangasinan, Tarlac, at iba pang lalawigan sa Hilagang Luzon ang maaaring pumarada sa naturang terminal at hindi na pumasok ng EDSA.

Nagkasundo ang lokal na pamahalaan ng Caloocan, Malabon, Navotas, MMDA at LTFRB na magtulong-tulong para sa pagtatayo ng establisimento at pagpapatakbo nito habang magdaragdag ng traffic enforcer ang MMDA.

Pinaka-ideal umano ang naturang lugar dahil sa pagbaba ng mga pasahero buhat sa probinsya ay may masasakyan na agad na metro buses sa EDSA, pampublikong jeep sa lugar habang hindi naman kalayuan ang Light Rail Transit Line 1 Monumento terminal.

Matatandaan na unang binuksan ng MMDA, LTFRB katuwang ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang South Interim Provincial Terminal sa Filinvest, Alabang na ipinasasara naman ni Albay Governor Joey Salceda sa Korte Suprema.

ALABANG

ALBAY GOVERNOR JOEY SALCEDA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR OSCAR MALAPITAN

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

HILAGANG LUZON

KORTE SUPREMA

LAND TRANSPORTATION FRANCHI

LIGHT RAIL TRANSIT LINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with