MANILA, Philippines – Naka-full alert ngayong Lunes ang Ninoy Aquino International Airport Terminal (NAIA) 3 matapos may matagpuang pampasabog ang mga awtoridad sa loob ng isang sasakyang naka parada sa parking lot ng paliparan.
Ayon sa ulat ng dzMM, apat na katao ang inaresto ng mga kawani ng National Bureau of Investigation matapos matagpuan ang mga hinihinalang pampasabog, gasolina, at gun powder sa loob ng isang Toyota Revo (WMK-129) pasado ala-1 kanina.
Nahuli pa sa akto ang mga suspek na binubuo ang umano'y pampasabog sa loob ng sasakyan, dagdag ng ulat.
Sinabi ni Manila International Airport Authority senior assistant general manager General Vicente Guerzon na nagpatawag na ng emergency meeting ang iba pang ahensya ng gobyerno.