Parak itinumba sa QC

MANILA, Philippines —Utas sa pananambang ang isang pulis sa lungsod ng Quezon ngayong Lunes.

Nakilala ang biktimang si Police Senior Inspector Roderick Medrano na nakatalaga sa Police Station 4 ng Novaliches, Quezon City.

Tatlong armadong kalalakihan ang nanambang kay Medrano sa kahabaan ng San Diego Drive, Zabarte Road, Novaliches kaninang alas-7 ng umaga.

Naisugod pa ng mga nakatambay ang biktima sa ospital ngunit binawian din siya ng buhay.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa likod ng krimen.

Show comments