Trahedya sa b-day party: 1 dedo, 2 sugatan
MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang masayang pagdiriwang ng kaarawan, makaraang isang mister ang nasawi at dalawa pa ang sugatan nang pagtatagain ang mga ito ng isa nilang kainuman, kamakalawa sa Makati City.
Dead-on-the-spot si Fernando Agnote, 45, ng A. Mabini St., Brgy. West Rembo ng naturang lungsod sanhi ng tinamong mga taga sa ulo.
Ginagamot naman sa Ospital ng Makati sina Miguel Capistrano at Miguel Angelo Banez.
Samantala, pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek na nakilalang si Joenel Quimpano, 28.
Sa imbestigayon ng Makati City Police, naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling araw sa A. Mabini St., Brgy. West Rembo ng naturang lungsod sa pagdiriwang ng kaarawan ng isang Carmelita Sarandi.
Sa gitna ng inuman biglang nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nina Agnote at Quimpano kung saan kumuha ng jungle bolo ang huli at pinagtataga si Agnote. Tinangka naman nina, Capistrano at Banez na awatin ito, subalit sila naman ang hinalihaw ng taga ng suspect.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek .
- Latest