HS studes, aayudahan sa larangang papasukin
MANILA, Philippines - Aayudahan at kakausapin ng mga tauhan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mga mag-aaral sa high school sa lungsod.
Ito ay upang malaman mula sa mga mag-aaral kung ano ang larangan na nais nilang tahakin bilang paghahanda sa kanilang pagtuntong sa kolehiyo para makatulong sa kanila sa hinaharap.
Aalamin sa may mahigit 8,000 mag-aaral sa public high schools sa lungsod kung ang nais nilang pasuking larangan ay sa akademya, sports, technical o vocational courses at art o design.
Sa pamamagitan nito, matitiyak ng tanggapan ni Belmonte ang mga bagay at mga paraan na kailangang ituro sa kanila at mga kaalaman na maaaring pagyamanin para higit na maging competitive at magamit ang pinag-aralan sa hangad na uri ng trabaho.
Binigyang-pansin ni Belmonte ang paglalaan ng programa para rito dahil nalaman niya na may ilang mga nakapagtapos ng kurso ay hindi naman nagamit nang wasto ang kanilang pinag-aralan sa field na napuntahan dahil hindi akma ang trabaho sa natapos nitong kurso.
Kasama ng QC government sa programang ito ang Division of City Schools ng Quezon City .
- Latest