Depressed na matanda nagbigti

MANILA, Philippines - Isang 63-anyos na lolo na sinasabing naging depressed mula nang mapahiwalay sa kanyang asawa ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa kanyang sarili sa loob ng tinutuluyan niyang kuwarto sa  Ba­rangay dela Paz, Pasig City kama­kalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Tomasito Rosales, caretaker at stay-in sa GRD Construction Company Barracks sa Diamond St., Octagon Village, Barangay Dela Paz.

Isang bayaw ni Rosales na si Bobby Mendoza ang nagsabi sa pulisya na duma­ranas umano ng matin­ding depresyon ang biktima si­mula nang magkahiwalay ito at ang asawa nito.

Nakadagdag pa umano sa problema ng biktima ang pagkakasakit nito ng tuberculosis na siyang posibleng dahilan kung bakit nagbigti ito at natuluyan.

Show comments