MANILA, Philippines - Suspendido ang ipinatutupad na color coding ngayong Martes, August 19 sa Quezon City. Ito ay upang bigyang daan ang pagdiriwang sa QC Day, ang araw ng kapanganakan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon.
Bunga nito, ang mga sasakyan na may ending 3 at 4 ay maaaring pumasok sa alinmang lansangan sa lungsod. Ngayong araw ding ito ay special non working holiday sa lungsod at merging sa lalawigan ng Quezon at Aurora.
Una nang nagpalabas ng direktiba ang MMDA na lifted ang color coding sa QC dahil sa pagdiriwang ng Quezon day.