Mangingisda tinadtad ng bala

MANILA, Philippines - Utas ang isang mangingisda makaraang tadtarin ng bala ng baril ng hindi pa nakikilalang salarin habang naglalakad  sa may Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang nakilalang si Archival Naval, 27, ng Tambak 1, Brgy. Tanza, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Navotas City Police, naglalakad mag-isa sa may Ilang-ilang street sa naturang barangay ang biktima nang harangin ng salarin at agad na paputukan ng baril saka mabilis na tumakas.

Nahihirapan naman ang mga imbestigador na makakuha ng lead sa naturang krimen dahil sa tikom ang bibig ng mga residente.

 

Show comments