^

Metro

All out war laban sa mga kolorum, aarangkada na

Lordeth Bonilla, Doris Franche Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aarangkada na muli ang all out war laban sa mga kolorum na pampublikong sasakyan.

Ito ang napagkasun­duan kahapon ng Metro Manila mayors­, ang policy body making­ ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nabatid na mag-aalas-6:00 na ng gabi natapos ang pulong ng mga Metro Mayors, pamunuan ng MMDA at LTFRB, kung saan napagkasunduan nila ang pagpapatupad ng Joint Administrative Order (JAO) sa Metro Manila.

Sa  pagpupulong ng mga opisyal kasama sina Cabinet Secretary Jose Rene Almendras at Department of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Emilio Abaya.

Nakapaloob sa kanilang kasunduan ang pagpapatupad ng  all out war kontra sa mga kolorum na sasakyan.

Ang JAO ang nagtatakda ng mas malaking multa laban sa mga kolorum na sasakyan at batay sa kautusan, P1 milyon ang ipapataw na multa sa mga kolorum na bus, P250,000 sa taxi, P200,000 sa trak, P200,000 sa van, P120,000 sa sedan, P50,000 sa jeep at P6,000 sa mga motorsiklo.

Sa panig ng Maynila, ibinabala ni Vice Mayor Isko Moreno na huhulihin at pagmumultahin na ang mga pampasaherong sasakyang walang prangkisa simula ngayong Miyerkules.

Samantala, hanggang Oktubre 17 na lamang ma­aaring mag-operate ang mga trak na may berdeng plaka o mga may provisional authority.

Sinabi naman ni LTFRB Chairman Winston Ginez na ang mga pribadong truck na ginagamit sa sariling negosyo ay hindi na kailangan ng prangkisa basta’t dalhin lamang ang mga dokumento tuwing bumibiyahe.

Ang Manila City government, pinag-aaralan na rin ang pagdaragdag ng express trade lanes o ruta para sa mga trak para maiwasan ang port congestion.

ANG MANILA CITY

CABINET SECRETARY JOSE RENE ALMENDRAS

CHAIRMAN WINSTON GINEZ

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

EMILIO ABAYA

JOINT ADMINISTRATIVE ORDER

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with